Maligayang pagdating sa aking pahina (libro lang ang peg). Dito nyo makikita ang lahat ng gusto kong sabihin, ang mga nasabi ko na, at ang mga hindi ko masabi.

About Me

Isa akong estudyanteng madalas mag-isa NOON, pero isa na akong dakilang miss congeniality NGAYON. XD Gustong-gusto ko ang subject na Biology kaya naman kumuha ako ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in Biological Sciences.Favorite subject ko ang Human Anatomy and Physiology at Cell Biology.Mahal na mahal ko ang mga teachers kong sina Maam Rina, Maam Annette pati na rin si Sir Tia. <3 Mahilig akong makinig ng mga lumang love song, kanta ng mga KPOP sa drama, anime OST at sa mga kanta ni Taylor Swift at Bruno Mars. Marunong akong mag-drawing at [medyo] [magaling] sa pagkukulay gamit ang oil pastel, lapis at water color.

Interests

Ang ganda ng Christmas Lights kapag magpapasko lalo na kapag gabi. Interesado ako sa korean drama, foreign movies at anime. Syempre hilig ko ang pagkain. Mahal na mahal ko ang pagtuturo. <3



Bakit sobrang pangit ko dito? (lagi naman eh) Ngumunguya ako ng masarap na sinigang na baboy nyan. Katatapos lang naming mag-perform ng Cultural Dance Presentation sa harap ng lahat ng estudyante ng College of education. Nakakapagod sumayaw tapos nagkamali pa ako nyan kasi na-excite ako na sayawin yung favorite step ko! :D

SELFIE !!!    XD



Ginawa kong profile picture sa Facebook 'tong picture na 'to tapos yung unang nag-comment ay sinabing 'selfie' daw to. Well, I can't deny that. Obvious kasi dun pagtaas ng balikat ko. Ang tino ng hitsura ko kahit may malaking eyebag! Sige na nga, medyo cute ako dyan! Hahaha! Kapag sinasabihan ako ng maganda ni Jom, hindi ako naniniwala, kasi sinasabihan nya ako nun kapag sobrang haggard ko. Pra tuloy syang bulaan. Habang tina-type ko 'to, nakikinig ako kay Chico Locco XD wala lang, gusto ko lang sabihin. Tapos, naisip ko rin bigla yung gaganaping Christmas Party sa December 21, naeexcite na ako! sino kayang mabubunot ko para sa exchange gift? Manalo kaya ako sa games? Sana may premyo! Hahaha! Back to the picture of mine above, naglagay pa ako ng lipstick, mascara, blush on at pulbo para matino akong tingnan kahit papano. Eh nung tingnan ko, parang wala namang effect yung mga nilagay kong pampakulay ng mukha. Pero, kahit na simple ako, maganda pa rin Ang Kalooban kO. Goodnight! XD


MY INTERESTS

EXO

KAI <3